
An NLEX coffee table book. Stories on the road. A collaboration between Jilson Tiu and Page One Media.
JOURNEYS







Reyna ng Jeepney
Si Geraldine Gasacao o “Manay Gina” para sa mga malalapit na kaibigan at kapamilya ay hindi lamang basta isang mapagmahal na ina, kundi isa rin siyang madiskarte at maabilidad na reyna ng kalsada. Sa mahigit isang dekada ay naging laman ng jeepney si Manay Gina. Hindi bilang pasahero, kundi bilang ‘piloto’ nito.
Sa simula ay tumutulong lamang si Manay Gina bilang taga-kolekta ng pamasahe sa pinapasadang jeep ng kanyang asawa. Hanggang sa isang jeepney operator, na alam ang kanyang kakayahan at kwalipikasyon sa paghawak ng manibela, ay inalok siyang maging drayber. Si Manay Gina kasi ay may karanasan din pala sa pagmamaneho ng truck sa isang bakery kung saan siya unang nagtrabaho.